(Source: worshipgifs, via spiritualinspiration)
Walang masama kung iisipin mo bilang mabuti ang isang bagay pero may mga pagkakataong kahit anong pagsisiksikan mong isiping mabuti ay lilitaw na masama. Gayunpaman, pilitin mo dahil sabi nga ng ni -Diana Schneider, Optimism is an intellectual choice.Red
(Source: worshipgifs, via spiritualinspiration)
pakiramdam’y pabugso-bugso
pakabog-kabog ‘tong puso
pagtingin sa iba’y naglaho
sa t’wing malalaman kong,
kasama mo’y ibang tao
agaran kong nararamdaman ‘tong
malakas na panibugho
nagiging makasarili na yata ako
ito ba ang pag-ibig na ‘di wasto?
nilalapa ako, lason ba ‘to?
pakyu ka pag-ibig, hindi ko na alam
kung ikaw pa ba ay totoo
palagian ko na lang nararamdaman
ang winawalang-hiya ako nito.
and i fainted. meh~
mah prends wants to say helluh. so there.
mawawala pala ako ng matagal dahilan sa matagal ko nang hinihintay na Camp. Ni-reblog ko ‘to dahil ayoko nang magulat na maraming mawawala dahil panigurado, mawawala na ang ilan sa inyo
Lovelots!
(Source: anapenguin)
bakit pinapatungan nang mabigat ang ulo ng pilipino sa ibang bansa? ganun ba kalalakas ang leeg ng pilipino at gusto ng ibang bansa na mapasakanila ‘yong mga kalahi natin?
ta’s tayo namang ‘tong shunga, hindi pinapabayaran ‘yong mga nahuhuling ogag na internationals para may pera naman tayo kahit na sa mga bonggang drug dealer, pokpok slayer at mga aso kung maglaway sa mga pilipina.
boo~ pinas.(o nakasulat bang bawal nating gawin ‘to kaya hindi nating magawa-gawa? sorry, kaya nga mag-aaral pa lang e.)
Narsiso
Kung hindi ba naman ako naging anak ng nanay ko na matikas pa sa tatay ko at sa masigasig na tatay na nagbigay ng katauhan sa’kin hindi ako magiging ako ngayon. Kung may bahagi lang sa Guinness na may pinakamaagang nagkaroon ng nobya, ako siguro ang mailalagay d’on. Kinder pa lang, hindi sa sobra kong maligalig at hindi rin sa maaga akong namulat sa pag-ibig ito ay dahil sa nanay kong masyadong palakaibigan na pati ang anak niya binigyan ng ‘iibigin’.
Simula n’on hindi na muna ako nagnobya, nasundan na lang nitong nasa ika-limang baitang ako sa elementarya. Hindi sila nakatiis. Ako naman mabilis mapasagot dahilan ng maganda naman siya. Sa buong talambuhay ko hindi ako nakapagharana man laman ni manligaw ay hindi ko naisagawa. Hindi sa ayaw kong manligaw o tamad ako at hindi ko rin gawain ang manlandi kung kaya wala talaga. Ilang buwan lang ang tinagal nitong pangalawa kong nobya. Nakakasawa pala. Nakakaumay minsan.
Malamang pinagkikibit-balikat mo na lamang ang mga salitang “ang yabang ko. Napakamakasarili ko sa kultura ng mga pilipino at napakaimpokrito.” dahilan sa mga nauna kong nasabi. Ako nga kasi si Narsiso. Hindi mo pa rin ba nakukuha?
Nasa humigit kumulang apatnapung taong gulang na ako. May matinong trabaho sa isang ospital sa kalakhang maynila. Walang alagain bukod sa isang asong mayroon ako. Minsan nga hindi ko matanggap ang sinabi sa’kin ng isang kasamahan ko sa ospital na may sakit ako sa tuktok, na masyado akong namamangha sa sarili ko. Aalam ko hindi ‘yon totoo dahil kung magkaganun man ba’t hindi ko pinakasalan ang sarili ko? Siya ata ang may sakit, bruhang ‘yon!
Narsiso. narsiso. May dahilan kaya kung bakit ganito ang ibinigay sa’king pangalan? Hindi kaya magiging mailap ang buhay sa’kin dahil sa ‘siso’, seesaw. Minsan nasa taas minsan nasa ibaba. Bahala na ang bigat ng pagkakataon sa kabilang bahagi ng seesaw. O Nar, dahil kaputol ko ang nagtatayugang puno ng Narra at kailangan kong maging singtibay ng Narra kahit kaputol lang ako.
Narsiso ang pangalan ko, malamang may kilala kang tulad ko. Seryoso at mismo~
May ilang mga bagay sa ating buhay na perpekto kung tumayming.Hayaan niyong ang larawang ito ang magpaliwanag ng unang pangungusap.
kuleng pf0ews. Isa pa.
Ugat
Hindi ko minsan nakukuha ang mga sinasabi ng mga nakaraan kong mga tagabasa, ewan ko kung nagbabasa ba talaga sila pero inisip ko nang gano’n dahil sa mga sinasabi nila sa mensahe nila. Hindi ko rin alam kung maniniwala ba akong gano’n ako o dahil wala silang ibang nakikitang ganoon ang paraan ng pagtitipa sa wikang filipino.
Hindi ako malalim. Hindi malalim ang mga salitang ginagamit ko sa bawat sulatin, paskil at mga opinyong nilalagay ko.blog na ‘to.
Nagkataon lang na natuto ako sa nakaraan ko. Hinugot ko sa ugat ng paraan ko ng pagtitipa noon pa man na j3j3. Parang gusto kong bumawi sa mga kababawan ko sa pagtitipan ng j3j3 na masaya ako at minsan ingles pa. Kung saan naramdaman ko ring maasar minsan dahil inungkat nila ‘tong nakaraang ‘to pero ngayon, sus. kainin niyo j3j3s’ ko.
Hindi naman talagang malalalim ang mga ginagamit kong salita. Kaunting sunod lang sa mga batas, tamang lagay lang ng bantas at pagpapanatili lamang ng mga salita sa mga natura nilang anyo. Tulad na lang ng ‘lang’ nagtutunog malalim siya kung ‘lamang’ ang gagamitin. Parehas din ng paggamit ng tamang lapi sa mga salita tulad ng ‘sinulat’ imbis na sa ‘nisulat’ na pababy-talk ang dating.
At tsaka konting balik lang sa ugat ng mga nangyayari ngayon, kasaysayan, kultura at mga lumang katuturan gaya ng mga kasabihan at sabi-sabi hindi chika o guni-guning pasandali ng mga nasa kanto. Mula sa ugat, doon makakasipsip ng sustansya at minsan masasayang sulatin.
Meh~
Ayoko sanang maging bitter. Ayokong makaramdam ng kung ano patungkol sa pag-ibig buhat sa ibang tao sa katapat na kasarian pero, bumabalik, nagkakaroon at naiinis ako dahil kahit ang elevator may GF, ako wala.
gumawa ako ng candy crush ko para lang sa’yo. mapagbigyan lang kita sa hinihiling mong buhay. hindi ko matanggihan e. ngayong nagbibigay ako ng request hindi mo ako napapansin. nagpapapansin na nga ako dahil may crush ako sa’yo tugma pala sa larong ‘yon. pagbigyan mo naman ako na kahit minsan lang at magkaroon ako ng buhay, pag-asang malaman mo ang nararamdaman ko.
Many people who describe the Philippines today as an archipelago separated by bodies of water should look further back to a time when we were a people connected by rather than separated by water.Ambeth Ocampo
(Source: giyongchi)
alam mo bang hindi napagod ang nanay ko sa kaka-alaga sa’kin. sa mga kunsumisyon na inabot niya na umabot sa buhok niya at nagging puti malamang hindi. hindi ko naman sinasabing maging pasensyosa ka, hindi ko rin naman hinangad na maging tulad ka ng nanay ko. wala lang, nabahagi ko lang ung ginagawa ng nanay ko, eggzited kasi ako sa magiging nanay natin sa senado—Binay. at nararamdaman kong madilim na mangyaring maging ina natin siya. duh? walang gustong maging asawa siya sa pagiging ojt lang niya. K
magandang gabi pala!
