Tama na ang paghahanap ng tamang lalaki/babae para sa’yo, kalokohan ‘yan. Pa’no ka magkakakilala ng tamang lalaki/babae kung ang sarili mo ay hindi tama para sa kanya?
sentidokumon naman daw d’re.
Hindi mo kailangan ng letra o salita, kailangan mong magsarili at humakbang pasulong.
Bobongpaham

(Source: istokwa)

Matatalo mo ang ibang tao pero ang sarili ay hindi. Masasabihan at mapapayuhan mo ang iba pero ang sarili ay hindi. Maloloko mo ang iba pero ang sarili ay hindi. Kaya may mga tao sa paligid natin, kausapin, makipaglokohan, makipagpayuhan at makipagtalo para ang isa’t isa’y nagsisipag-ambagan.
Red.

(Source: istokwa)

Hindi mo kailangang humiling kung sa tingin mong kaya mong abutin ang mga ito o kaya naman magdasal katabi ang bibliya para pagkatapos magdasal ay malalaman na agad ang kasagutan—kung Oo, Hindi o Wait.
Bobongpaham

(Source: istokwa)

Hindi parang bituin sa tetris ang tiwala, na pagkatapos mawala ay maaari pa ring maibalik. Tapos kung tapos, arte nito.
Yaya

(Source: istokwa)

Swe-swertihin ngayong bagong taon ng mga sakang ay ang mga taong may kabayo sa bahay, mala-kabayo ang lakas at pagpupursigeng mabuhay. Kung wala kayong kabayo, iwasan niyong magkaroon ng manok. Mahirap ang patuka-tukang sistema ng pamumuhay. Think more like of a Chinese, magmukha tayong pera.
Pilyongpilosopo

(Source: istokwa)

Mas mabuti pang magkaroon ka ng mabahong hininga, tamarin sa pagtitipa ng keyboard at magsulat kung wala namang mabuting idudulot sa taong makakarinig, makababasa o makakakita nito.
Bobongpaham
Ang problema ay parang utang, madaling kalimutan minsan. Maaaring hindi ka makatulog at hindi mapakali sa sandaling panahon. Mahirap harapin kung naiwan na ng matagal dahilan ng malaki na ang interes. Pero pwedeng hindi mo rin harapin kung tama ang ginagawa mo at naaayon sa kagustuhan ang lahat.
Red

(Source: istokwa)

Hindi man tayo pansinin ngayon, balang araw hindi ko na gugustuhin pa—sa mga panahong iyon maliwanag na ang lahat sa’kin. Na ang mapansin ay isang pagsubok na mahirap pang matakasan at kung matakasan man ay pinino na ng panlalait ang pagkatao.
Red
Walang katumbas ang wala pero ang wala ay isa sa isang salita na hinihiling ng bawat isa na sana ay wala nang salitang wala.
Red

(Source: istokwa)

Hindi sa nadala ka ng galit, ng mapusok na pakiramdam. Natututo ako. Natututo tayo. Lahat ng bagay ay napagdedesisyunan. Isang krimen ang pumatay ng katotohanan at maglabas ng ebidensyang malayong maging sangkot sa pagsisinungaling.
Red

(Source: istokwa)

Tao ang siyang presidente, nagdidikta ng patutunguhan. Siya rin ang arkitekto, nagpaplano ng patutunguhan niya. Isang inhinyero na siyang bumubuo sa gusto niyang landasin. Gamit ang aspalto at mga bato—masama mabuti, Siya ang sasakyang dadaan sa langit o impyerno.
Red

(Source: istokwa)

Anuman ang nagawa ng isang tao sa’yo o sa iba, kung anuman yun matuto tayong rumespeto. Patayin na lang natin sa utak natin ng mga sampung beses para sigurado kung may lahing pusa man ang kinamumuhian mo. Tandaan parin natin ang walang kamatayang Golden Rule. Hindi naman batid sa kaalaman ng pinapatay mo na pinapatay mo siya sa utak mo.
Red

(Source: istokwa)

H’wag mong sasabihing wala kang kinalaman, lahat tayo ay may kinalaman sa kung ano ang nangyayari sa bawat isa. Maaari kang isang walang pakielam na mamamayan, ang dahilan ng nangyayari o isa ka sa mga ayaw sa nangyayari kaya gumagawa ka ng paraan mabago lang ang nangyayari.
Red

(Source: istokwa)

Hindi panghabang buhay matigas tayo, may mga pagkakataong maibabato sa’tin ng pagkakataon na hindi inaasahan na makakapagpalambot sa’tin. Mapipilitan tayong bumaluktot para manghingi ng patawad at magpapa-isip sa’tin na kailangan nating magpakumbaba.
Red