QouteQoutation Mark
Payak
May mga pagkakataon sa ating buhay na mag nagagawa tayong baluktot na hindi gusto ng iba pero gusto natin, na banayad sa ating mga mata pero hindi sa iba, na akala natin ay tama dahil tayo ang magbebenefit pero mali sa mata ng matatanda at maling-mali kung sinupaman’g tanungin.
Kalayaan ay hindi lang kung ano ang gusto nating gawin anupaman ang maging reaksyon ng taong nasa paligid o magiging resulta nito sa ginagalawang mundo. Ito ay ang paggawa ng tama hindi lang para sa sarili, kundi para rin sa iba (Montojo, BCL). Bumalik sa pinaka-esensya ng paskil. Sabi nga ni Rap-rap[eboy],
“Simple lang sabi mo ‘di ba? Simple lang ang buhay. Kung may pagkakamali kang nagawa sa iba, simple lang magsorry o humingi ka ng kapatawaran. Kung hindi tatanggapin, ulit-ulitin mo.”
Simple nga lang ang buhay, tayo rin lang ang nagpapakomplika rito. Ma’no ba namang babaan ang pride para sa relasyon na nakasalang. Ibenta ang kahihiyan para lang maisalba ang sarili sa kapahamakan. O isanla ang natitirang katatakutan sa isang tao upang mas lalo pang tumibay o lumalim ang pagkakabuklod. Hindi ito love post, mukha lang pero hindi talaga.
At kung dudugtungan ko ang linyang narinig ko sa palabas na E-boy siguro ida-dagdag ko ang, pero kung hindi parin tanggapin ang kapatawaran o bigyan man lang ng isa pang pagkakataon ay hintayin ang pagkakataong mapagtanto at manghinayang sila/siya na hindi tayo/ka pinatawad. Hintayin munang mahanap niya ang sarili niya gamit ang oras. Tandaan din nating hindi lahat ng bagay ay namamadali, may ibang kailangan ng proseso o mga hakbang para pumunta sa konklusyon. Ganun, malaya ka. Gayundin naman ako pero hindi ko at siguradong hindi mo rin hahayaang matapakan o masira ko ang pader na nagsasabing kalayaan mo na ang pinakikialaman ko.
Kasalanan kong magulo ang mga ideyang napapaloob sa itaas, Paumanhin.
(Source: istokwa)
Hindi mo kailangang humiling kung sa tingin mong kaya mong abutin ang mga ito o kaya naman magdasal katabi ang bibliya para pagkatapos magdasal ay malalaman na agad ang kasagutan—kung Oo, Hindi o Wait.Bobongpaham
(Source: istokwa)
Pagkakataong hindi natataon.
Dati-rati’y hiyang-hiya akong magpakilala dahil sa parang laging may nakatingin sa’kin, parang laging may namboboso at mamboboso pag sinimulan ko nang hubaran ang makapal na balabala’t mga barong suot ng aking ugali. Ngunit ngayon, kung kailan handa na ako ng bahagya, hindi ako makapagsimula dahil walang nakapapansin sa’kin. Ang gulo ko lang, ewan ko, siguro kayo rin ganito.
May mga panahong ayaw mong may nakatingin sa’yo dahil parang ang pangit lang tignan kung titignan pa nila, gets?—buti pa kayo. Pero dadating at dadating ana panahon na gusto mo namang may nakakakita sa’yo dahil parang may gusto kang sabihin o parang may gusto ka na makita nila, halimbawa ang pagbabago ng ugali, ng tipo ng kasuotan, ng kahit ano—lahat naman ay nagbabago.
(Source: istokwa)