gumawa ako ng candy crush ko para lang sa’yo. mapagbigyan lang kita sa hinihiling mong buhay. hindi ko matanggihan e. ngayong nagbibigay ako ng request hindi mo ako napapansin. nagpapapansin na nga ako dahil may crush ako sa’yo tugma pala sa larong ‘yon. pagbigyan mo naman ako na kahit minsan lang at magkaroon ako ng buhay, pag-asang malaman mo ang nararamdaman ko.
? : Liham Pangangalakal
Sabi ko ayoko na, sabi ko lugi na ang pakikipagpalit ko. Tumigil na ako, hindi lang nila alam. Karamihan kasi ng mga katotohanan lumalabas kung wala, tapos na ang pangyayari katulad na lang ng pagkakaroon ko ng paghanga ko sa’yo. Ngayon lang na laman ng madlang church ang pagtingin ko sa’yo. Ewan ko ba, naging intriga pa ang nangyari kahapon.
Bago pa umalis kasi sina mama papuntang birthday party sabi niya suotin ko naman ‘yong polo ko, na isinuot ko naman. Pumunta sa church, pagdating sa labas niloko pa nila ako, ” Attoryneeey! Sa’n lakad natin ngayon?”. Dumiretso ako sa taas kung saan nangyayari, natuturo at nababahagi ang mga ibinahagi. Dapat talaga, sa computer lang ako. Dahil visuals ang toka ko at may isa kaming trainee na parang trainee ng trainee, trainee pa lang kasi kami. meh~ Nang biglang napasin ako ng network leader ko na unang beses na nagpolo, dahil hindi ko naman talaga trip magpolo.
Ako ang pinag-emcee na mukhang hindi naman emcee lol. Nakipagkamustahan patungkol sa nangyaring Zambales Camp na hindi ako nakasama na ang saya-saya raw dahilan ng mas maganda ang production at maraming games pa! Oha-oha!? Lol.
Hindi ka rin pala nakasama, hindi ka pinayagan ng ina mo, kaya pinagtripan ako ng partner-emcee ko, Tanungin daw kita, i-entertain e ang alam ko lang namang sabihin sa harap ay ‘wala’ dahil hindi naman talaga ako pang maramihang tao, kahit nga one-on-one mahina ako maramihan pa kaya? Hanggang utak ko lang ung magaling akong speaker sana kung may confidence ako. So ayun.
“Kumusta ka?”
“Ba’t hindi ka naka-attend?”
“Okay, Ako rin e”
‘yan na siguro ang pinakamahabang wala sa script na nasabi ko sa harap. Salamat, at sana magmove-on na ung mga lagi kong pinagtritripan na ako ang pinagtri-tripan ngayon. Bye, Yas. Meh~
Wala akong mapag-alayan ng mga likha, wala akong mailarawan. Ikaw ang aking iniisip ngunit marahil, umay ka na sa nararamdaman ko. Pansamantala kong inihinto, nag-isip ng malalim at nangambang naaabala kita sa bawat pag-alala ko sa’yo ay isang sugat sa dila at mga numero at titik na nadadamay maging siguro ang katabi mo, naaabala mo na dahilan ng pagtatanong kung anong numero o titik pagtapos mong makakagat ng kahit na ano sa bibig mo. Paumanhin kung naging makasarili ako, ngayon ko lang napagtanto ang mga bagay-bagay, ngayon ko lang naramdaman ang mga nararamdaman mo, marahil.
Pasensya sa isa na namang sugat, paumanhin kung maaabala mo na naman ang katabi mo dahilan ng pagkamakasarili ko at paumahin kung nagsinungaling akong wala akong mapag-alayan. Marahil, oo, marahil ito na ang isa sa huli na patungkol sa’yo— hindi sa hindi na kita gusto, ito ay dahil ayaw ko nang ikaw ay magambala, maghinala ng tama at umasa kung ikaw man ay.
Santan
Rinding-rindi na ako sa mga bilihin, nagsisitaasan, paano na magkakaroon ng mangingibig kung lahat ay mahirap na at hindi na kayang bumili pa ng ibang maibabahagi nila sa kanilang mga irog. Masakit, hindi lang sa bulsa kundi sa konsensya at kalooban din.
Nauulinigan ko ang umid na ihip ng hangin sa may parang, isang hindi makalilimutan na pagkakataon. Lahat libre, ang malinis na tubig ng lawa, mga halaman na nagbibigay ng kakailanganin sa ating katawan na hangin. Hindi ko masisisi ang nakaraan, masisisi ko ang mga tao, mga walang pakialam sa kung ano ang iiwanan nila.
Naalala mo pa ba? Ang tamis. Ang tamis na taglay ng maliliit na tinik sa loob ng santan, mapadilaw man o pula. Ang tamis na nanunuot kahit na maliit lang ang laman sa bawat bulaklak na makakikitaan ng kariktan sa kabila ng pagiging payak ng itsura nito. Sa bawat pagtanggal-tikim mo sa mga santan ay katumbas ng isang mas matamis na ngiti, isang ngiti na kung makakain ay malaman ay may diabetes na ako. Ang paghalakhak mo sa pagbubuklod-buklod natin ng bawat piraso ng santan ay isa sa hindi ko malilimutang malutong na bagay na nakaharap ko bukod sa chicharon. Habang binubuo natin ang isang kwintas na gawa sa nasabing bulaklak ay unti-unti ko rin naaarok kung sino ka, nabubuo ang ‘ikaw’ sa isip ko. Kasing rikit at payak mo ang mga ito, kung maaari lang kitang titigan ng matagalan nang hindi nababawasan ang haba ng pagtatagal mo, ginawa ko na.
Ngayon para kang santan, tinitigan lang kita. Sa pag-aakalang ayos lang ito, ngunit hindi. Ako rin ang dehado no’ng huli. Nawala ka, nalanta at umalis. Sa susunod na makita kita at mabuo ka ng tadhana, hindi na kita titititigan bagkus ikaw ay aking isusuot, papapasukin sa aking buhay at susulitin ang mga panahong kasa-kasama ka. Tulad ng mga bilihin ngayon, gusto na rin kitang mahalin kahit masakit.
(Source: istokwa)
Nagsisinungaling ba ako o may nililihim lang?, parati ko ‘tong naiisip sa t’wing iniisip kita. Pinagsisinungalingan ko ba ang sarili ko na wala ‘tong nararamdaman ko o isa lang ‘tong lihim sa pagitan ng sarili ko at ang pagkakaroon ko ng paghanga sa’yo. Para kasing napapaloob ang paglilihim ko sa pagsisinungaling ko sa sarili ko, medyo komplikado, kasing komplikado nito, nitong paraan ng pagkabog ng puso sa t’wing nakaka-usap ka. Paulit-ulit ko na lang sinasabi ‘to, para bang walang katapusan ang lahat patungkol sa’yo, na mukhang wala nga, habang mas nakikilala kita mas naiisip kong kakaiba ka nga!
Nagsinungaling ba o naglihim lang? Tsaka, bahala na. Wala na rin naman sigurong kaso. Nasabi ko na ang dapat masabi, natanggal na ang tinik na matagal ko nang hinahanap sa sobrang liit ngunit sobrang hapdi ng pagkakatusok habang tumatagal. Naibulalas ko na. Naglihim o nagsinungaling. Ang alam ko lang pagngumiti ka, tunay na ngiti ang pinamamahagi mo sa mundo. Hello, crush.
hindi ko alam kung matutuwa ako ngayong naka-uwi ako ng ligtas ngayong hindi ko malalaman kung ayos kang naka-uwi at ngayong wala na akong mapaghuhugutan ng inspirasyon at mapagtutungkulan ng bawat paskil. h’wag sanang maging huling paskil ito na sa’yo ay laan.
(Source: istokwa)
Natuto akong sumulat/tumipa dahil sa’yo. Nakalimutan lang kita saglit at hindi ko na alam kung paano isagawa ito. Kailangan ba lagi kitang naaalala para may mailahad ako na paskil tulad nito? Hello. Malalaman mo bang ikaw ang tinutukoy ko gayong wala akong sinasambit na pangalan? Ang sabi kasi ng matatanda puso, puso ang nag-uusap hindi ang tao mismo. Gusto kang kausapin nitong puso ko muli pero ikaw at ang puso mo na rin ang tumatanggi. Makakabalik pa ba ako sa hilig ko, ang pagtitipa/sulat o maibibigay ko ba ang hangad ng puso ko o maka-usap pa kaya kita muli? Kahit iyon na lamang, kahit hindi kita makadaupang-palad sa kalye ni makapalitan ng salita nang harap-harapan.
Hindi ko alam kung ano ang mas gusto ko, ang makapagsulat muli o makabalik ang normal na pakikipag-usap ng puso ko sa puso mo tulad ng dati? Uy. Parehas lang pala, hindi ko natunugan dahil hindi ko na nga alam ang bumalik sa aking nakasanayan.
(Source: istokwa)
Nagawa ko na lahat ata, ang umasa, ang titigan ang litrato mo nang hindi mo alam, ang akuin ang litrato mo at ang pagkatao mo sa twing may magtatanong ng ‘girlfriend mo?’, ang pag-isipin na mahal mo rin ako, ang lokohin ang sarili ko na ganon din ang ginagawa mo sa litrato kong madalas ay buo ngunit may takip at ang pagsinungalingan ang sarili sa kabila ng pinangakuan ko ang sarili na hindi na ako magsasabi ng kasinungalingan o paniwalain ang sarili sa hindi totoong bagay. Ang gawan ka ng tula, ng sanaysay sa pagkakakilala ko sa’yo, ng prosa at ng guhit ng larawan mo.
Ngayon ko lang rin nalaman na mayroong wala pala sa listahan ng nagawa ko patungkol sa’yo. mayroong-wala, oo. Hindi ko pa pala nagagawang magtapat sa’yo, magsabi ng nararamdaman nang direkta sa’yo at malamang mahihirapan o hindi ko na magagawang mapasagot pa kita…
‘
(Source: istokwa)
Una
Naalala mo pa ba ‘yong utang ko sa’yo? Ginawa ko na, kaso wala pa akong lakas ng loob na ilabas o ipamalas. Gusto ko ikaw muna ang makakita, makarinig at makapag-isip kung bakit at paano ko napili ang kanta, o kung mayroon mang mga flat at sharps, kung nadistorbo ko ba ang batas ng Major-minors o winasak ko ang kanta. Gusto ko sa’yo galing ang unang pamumuna, unang pagbibigay ng magandang salita sa unang kantang kinanta ko para sa unang babaeng pasok sa pamantayan ng lahat ng tulad ko.
Gusto kong maunang magbigay ng mensahe sa’yo kaso baka makutuban mo na ako ‘yon dahil dito. Hi!
umiiyak ang mga ulap, nagrereklamo na ang semento at mga basurang natatamaan ng mga patak nito. pasasaan ba’t magiging masaya rin ang ulap, mawawala rin ang basura at matatakpan din ang mga uka ng semento na kasalukuyang naghihimutok. ngunit hanggang kailan, sino ang unang gagawa at may panahon pa bang bibilangin ang mga ito upang maging tuluyang maging masaya sila o baka naman umaasa na lang sila tulad ng pag-asa ko na mapansin din ako ng aking hinahangaan?
magkagayon ma’y kung may haharutin man siya bukas ay sana magkasipon siya at lumobo ito sa harap ng kasalukuyan niyang kinalalantari o madulas siya sa harap ng maraming tao.
Liham Pangangalakal XI
Maglilimang buwan na buhat nang magkapareha tayo sa pageant sa church. Hanggang ngayon sa ikatlong buwan na ng paghanga ko sa’yo na medyo nababawasan na ay nalilingat ka pa rin sa ikli ng aking memorya. Ikaw na siguro ang pinakamahabang naging hinahangaan ko, grabe ka, tinalo mo pa ang haba ng pag-ere ng inaabangan kong series—Legend of Korra.
Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwalang ang tagal na pala kita ikinubli sa aking ala-ala. Hindi man kita gaanong nakita ng matagalan nitong linggo ay ayos lang baka pagka nasobrahan naman kasi ay mabaliw na talaga ako sa’yo. Kumusta ka na, ba’t hindi ka pa kunin ni Lord? Nang ikaw naman ang maghintay sa’kin sa langit nakakapagod na kayang maghintay pero ginusto ko ‘to e, anong nga palang mairereklamo at magagawa ko?
Siya nga pala sabi ng kabarkada ko ipangalan kita sa isa sa mga gamit kong hindi ko iniiwan para hindi kita malimutan kaya ganun ang ginawa ko. Ginawa nila edi ako rin. Itinulad ko ang pangalan mo sa payong ko. Hindi ko alam nung una kung bakit pero nang lumaon at nag-asaran na kami ay nalaman ko. Natutuwa ako, para akong nasa bahay ni Kuya—PBB Teens?—kaya pala sa payong kita ipinangalan para umulan man o umaraw; mapa-gabi man, umaga o tanghali ay hawak-hawak ko ang handle nito para lang tayong nag-HHWW.
Boo!
(Source: istokwa)
Liham Pangangalakal X
Crush lang love na agad?—Grace Ballano
Pasensya na, pasaway ako baka sa mga oras na talagang desidido na ako ay mag-pass-away na ako sa pagpapapansin gamit ang liham na tulad nito. Hi, Yas! Akala mo hindi ko nakikita ang pasulyap-sulyap mo sakin kaninang Conference mula sa biglaang pagsakay ko sa dyipni ng mga babae kasama ang ka-CG ko. Kaya nahihirapan akong sumulyap nang matagalan dahilan na rin na baka mahuli mo ako at ngitian at sa ganung pagkakataon ay matunaw ako sa ngiti mo.
Siya nga pala, mas naintindihan ko ang kalagayan ko sa’yo kanina. Kras o paghanga lang ‘to pero masyado kong pinalalim bilang pag-ibig o pagmamahal. Ganyan daw kasi ang uso ‘yon nga dahil sa paniping kinuha ko kanina sa anak ni Pastor Oriel. Nakakapagod pero pag-uwi natin na hindi naman na kita nasabayan sa iisang dyipni dahil na rin sa naglakad kami mula sa Astrodome hanggang Sta. Ana for trip & get together purpose ng net namin.
Ngayon habang tinitipa ko ‘tong mga titik sa paskil na ‘to inaasahan kong natutulog ka na o nagpapahinga habang nanonood ng telebisyon. Alam mo ba, hindi na lang pala ako ang nagkakaroon ng paghanga sa’yo pati yung member na rin ng kapatid ko sa Cell. Dalawa na kami ang magsasawa sa mukha mo. Sabi pa nga ng isang kapatid ko sa cell ay “May the best man win.”. Gusto ko mang tratuhin ng ganoon ang tungkol rito sa pagkakaroon ko ng pagkagusto sa’yo ay sa tingin ko ay mali ‘yong paraan na ‘yon. At tutal paghanga lang naman ‘to walang lagayan ng bakuran ika nga ng konsensya ko sa kahit na kaninong babaeng makakadaupang palad at hahangaan ko.
Ang Imba ng presensya mo kanina, marami ba namang nagtanong ng pangalan mo na sabi ng mga kapatid ko ay dapat ko raw kainggitan dahil, ako, mismo ay hindi ko magawang kausapin ka.
Hindi na muna ako magpapaalam tulad ng ginawa ko no’ng nakaraan dahil masyado akong naging padalos-dalos sa pagsasabi ng paalam gayong hindi pa ako handa.
(Source: istokwa)
Liham Pangangalakal IX
Siyam na linggo na rin pala ang nakalipas simula nang una kong pagkamangha sa kagandahan mo. Dalawang buwan at isang linggo na akong nakikipagbunong braso sa tadhana. Hindi ko alam kung nanalo ba ako o hindi. Paiba-iba kasi ang pagtingin ko pero ang maliwanag sa’kin ay mas lamang ang tadhana siguro lima o anim ang napagtagumpayan niya at ako ay tatlo o apat.
Naaalala ko pa ang araw na una kitang naka-usap. Pa’no ba naman tayo ang magkapareha nung anibersaryo ng TGIB. Hindi ko nga akalain na ikaw ang kapareha ko dun sa patimpalak na ‘yun. Nakalimutan mo na ba, yun yung Mr. & Ms. Bible. Nakakaloka, sige kalimutan na natin.
Para akong sinaing minsan—may pagkakataon na malata at tama lang. Tulad ng sa tadhana mas marami ang pagiging malata ko. Yung pagmamahal nitong nakaraan lang ay wala pala. Hindi kita nakita kanina at wala naman na akong naramdaman, ni pangungulila wala. Nakatakas na siguro ako sa tukso at sumpa ng tadhana.
Sasarilihin ko na lang muna ‘to. Mahirap magsabi agad sa mga kaibigan baka pilitin nila akong lumapit at sobrang mang-asar pa. Saka ko na sasabihin sa kanila, nakakatakot. Hindi ko na siguro paaabutin sa ika-sampung linggo ‘tong kabaliwan na ‘to. Natatawa na lang ako ngayon, nagulat kasi matagal na rin nang talagang tumibok ang nilalangaw kong puso. Daan ka ulit sa harap ko. Magpakita ka ulit sa’kin. Ikaw naman ang magbigay ng motibo sakaling mahulog ulit ako sa’yong patibong.
Salamat Yas! (parang naging kami naman hahahaha.) Paalam, sa muli.
Nagmahal at tumigil, Joshua este Red nga pala ‘to.
(Source: istokwa)
Liham Pangangalakal VIII
Susulat na naman ako sa’yo hindi dahil nakita kita o nakahawak ko na ang mukhang malalambot at malamyos mong mga daliri at palad. Natatakot na talaga ako, baka kung sa’n na ‘to umabot. Matagal narin kasi nang una kong nabigyang pansin ang kagandahan mo at mula noon ay naging kras na kita. Natatakot ako baka kasi mahal na kita hindi na kras. Pasensya kung nanakawin o ipapakita ko sandali ang retrato mo sa mga taong nakababasa nito. Kahit ngayon lang.
Pinapanalangin ko lang ay hindi mo nababasa o nakikita ang mga sulat ko patungkol sa ‘yo rito kundi isa sa mga magiging kahihiyan ko ‘to. Para akong isang fan na handang mamatay maging ligtas o makita lang kita sa telebisyon o kahit sa personal. Hello, Yas. Kailan kaya ako magkakaroon ng lakas na kausapin ka o kailan kaya magtatama ang mga mata at isipan natin upang makapag-usap tayo? Ingat ka!
(Source: istokwa)
Liham Pangangalakal VII
Sa buong araw kung walang pasok at gabi kong pamamalagi sa harapan ng computer na may internet ngayon lang kita nakasabay o nakitang mag-online. Nakakagulat lang ang pakiramdam na gusto kitang maka-usap kahit na simpleng Hi-Hello lang. Hindi ko masimulan dahilan nang pinipigilan ako ng maliit na boses sa sentido ko na baka hindi ako mapansin at magmukhang tanga lang sa kahihintay.
At tinipon ko ang mga umaalma sa gusto ko at pinatay sila ng mga sumasang-ayon sa pakiramdam ko. Matagal ang naging proseso sa katawan ko ng bagay-bagay. Dalawampung minuto. Tatlumpung minuto. Apatnapu. Apatnapu’t lima at nabuo at natapos na ang progreso. Handa na akong kausapin ka hanggang dumating ang oras na kinatatakutan ko. Nawala ka bigla. Nawala ang luntiang simbolo na naka-online ka.
Unti-unti na talaga akong nawawalan ng pakiramdam patungo sa’yo. Matagal ko nang gustong pigilan ang sarili ko pero muli’t muling naibabalik sa t’wing magpapakita ka sa’kin at sa kaibigan ko at ako ay aasarin. Ewan ko, sa tingin ko nagiging balimbing na ako sa tadhana. Parehas siguro kami na nanalo ngayon at ang mga kaibigan ko ang talo kung mababasa nila ‘to. Hello. Goodbye.
(Source: istokwa)