luha
dumadaloy na naman
sa’yong mukha ang kalungkutan
ang hikbing minsan lang madinig
lumuluha ang babaeng sa kanya’y nahuhumaling
“s..s-sinong umapi sa’yo
SINO!?”
hindi ko nakontrol ang sarili ko
patuloy pa rin ang pagbagtas
ng mga bakas ng mamahaling likido
ang likod ay hinimas
sakaling pakiramdam mo at akin
ay unti-unting humimasmas.
tinanong ko lang ang mga ‘yon
para malaman kung iba ang dahilan
“bakit kasi siya pa?
sabi ko sa’yo iiyak ka lang sa kanya
iyan tuloy, ayos lang ‘yan
ako’y narito naman
handa ‘kong maglaba ng panyo
ang balikat ko’y sa’ ….
hindi na ako nagpumiglas
nagulat ako sa naging parusa niya sa’kin.
hindi ko na balak pang kumalas
ang malamyos na balat niya laban sa’kin.
umaatungal ang dibdib, lumalaban ang puso
do’n ko lang naramdam ‘yon, seryoso.
ngayon lang nagkaroon ng dagat
ang aking kanang balikat
maalat
ngunit ang ibig sabihin ay hindi salat.
(Source: istokwa)
Gatas sa labi.
Nasaktan ka na ba?
Kailan ang una?
Pang-ilan ang pinakamasakit?
Bakit? Paano? Gaano?
Naaalala ka pa kaya niya?
Ang saya magbalik tanaw pero kaakibat ng saya may mga karanasan din tayong masakit, mga karanasang hinding-hindi malilimutan. Bitter ang hindi magbalik tanaw at mahina. Magbalik tanaw ka, sabay nating tawanan ang unang heartbreak at unang rejection-g patungkol sa pag-ibig.
Huli na nung una akong umibig, ang weird noh? Una pero late? Pero seryoso, nung nasa ika-6 na baitang ko lang naranasan ang pagkabigo at ang pakiramdam na nagoyo ng mga taong nakapaligid sa’kin. Kasi naging mahigpit ko palang katunggali ang matalik kong kaibigan sa kras ko. Tulo laway lang ang naging panlabas na pangmukha ko nang malaman kong sila na pero sa loob-loob ko parang nagshort circuit ang mga major veins ko at pumutok nang parang nilagyan ng pla-pla ang dalawang chambers ng puso ko. Pero hinayaan ko na lang. Sabi nga ng matatanda nung panahong yun sa’kin, ‘Sa una lang ang sakit, sarap na susunod niyan, ‘toy.”.
Siya nga pala, ang naunsyami kong unang kasintahan si Jessa, pindutin mo na lang ang pangalan para sa retrato. Yan siya ngayon. Bongga na siya. Magaling kumanta, matalino at chubby pa siya nung huli ko siyang nakita siguro mga apat o tatlong taon na ang nakalipas no’n, hindi ko na alam kung ganun parin. Mahilig kasi ako nun hanggang ngayon pa rin ata sa mga babaeng may bilugan/medyo parisukat ang mukha at sa mga may makakapal at wavy-ng buhok.
Hindi ko na sinundan yung sinabi ng mga matatanda sa’kin, hindi ko na natikman ang sarap kasi ayokong ma-double kill ika nga sa dota. Nami-miss ko na siya kaso hindi ko alam kung sa’n siya hahagilapin. Kayo ba, may maisasagot na ba kayo sa katanungan sa itaas?
(Source: istokwa)
Kalapati
Lilisan-babalik; lilisan-mananatili-hindi na muling babalik pa.
Relasyon na lang ng magkakasintahan lagi ang pinag-uusapan dito nakaka-urat nang pakinggan ang mga walang patumanggang usapan, mga panipi, paskil at mga pataasan ng bilang ng mga lalaki/babaeng dumaan sa kanilang mga palad. Ibahin natin ng konti, bawasan ang mga intense na usapan patungkol sa nabanggit. Gawin nating mas magaan, yung tipong lahat ng mga makakabasa nito ay makakasali at matatamaan dahil nagkaroon, mayroon o magkakaroon tayo nito.
Ang relasyong pinatutungkulan ko ay ang relasyong magulang-anak. Sino bang walang ganitong relasyon? Walang anak kung walang ina; walang ama ay wala ring anak, hindi mabubuo ang isang anak kung walang anak. Tulad ng mga relasyong nabubuo ng Pag-ibog(pag-ibig at libog) may mga relasyong mag-anak ang nasisira at nagkakawatak-watak. Hindi matibay dahil sa mga salik na nakaka-apekto tulad ng mga kabit, nanlalamig na ang isa kaya naghanap na ng ibang makakalantari o siping at mga kabataang nalululong na sa droga at mga mamamayang nakakasalamuha nito.
Ang relasyong pampamilya/mag-anak ay parang relasyon ng isang mangangalaga ng ibon at kalapati. Ang nangangalaga ay ang mga magulang na naghirap na palakihin at hasahin ang mga anak; ang mga kalapati naman ay ang nagrerepresenta bilang mga anak. Papakainin, palalakihin, aalagaan, hahanapan ng ikasasaya at pinapayagang umalis ng pakonti-konti para mailahad sa mga nagliliitang mga kalapati ang malaking mundong maaari nitong kaharapin. Hindi man tayo payagan ng ating mga magulang lumabas ay nagpupumiglas tayong umalis dahil nasiyahan tayo sa labas. Minsan natatagalan nang bumalik, kahit na hinahayaan tayong lumabas ay nag-aalala parin sila kung babalik pa ba tayo o hindi na. Pero unti-unti naring natatanggap ng mga magulang natin na kaya hindi tayo nakakabalik agad dahil nawili na tayo at darating ang panahon na handa na silang hayaan ang dating maliit, mahina, gutom, at nangungulilang mga kalapati na inalagaan, pinalaki, pinakain at binigay ang kagustuhan para sa kasiyahan ng kanyang mga alaga.
Ibon mang may layang lumipad. …..
Pero sa mga Pilipino, hindi maaaring magkahiwa-hiwalay at hindi hahayaang makatakas ang isa hanggang sa hindi pa nito kayang mamuhay ng sarili at ng kapareha niyang bubuhayin.
Lilipad ng malaya,
kalapating matanda.
Kaya nang mamuhay mag-isa,
kaya nang bumuhay ng isa pa.
Lilipad-lipad kung hihina,
babalik sa mangangalaga.
Magpapalakas ng loob,
Nang sa susunod ay hindi na muling mapataob.
Kawawa ka, ‘di sila.
Kahit ano pang sa’kit. Okay lang. Ayokong mawalay.
Binabagtas ang daan papuntang sakayan ng bangka pauwi mula sa eskwela, nakakita ng mga batang tuwang-tuwa na uwian na rin nila sa wakas at makakapanood na sila ng PBB o kung ano man ang sinusubaybayan nila pagka nasa bahay na sila. Mga teacher na pauwi na rin para ipagluto ang kanilang mga asawa at anak. Mga kaklase kong kasama sa MoA para sa concert patungkol sa pag-eendorse sa Underground River, libre ang 200 ticket para sa mga gustong sumama. Mga ka-eskwelang may nangangating paa’t kamay na nagplano kung ano ang magiging move at strategy nila sa DotA laban sa ibang tambay sa shops.
Tumambay sandali sa labas ng eskwela, nagfood-trip kasama ang payatot kong kaibigan na malapit na kapit-bahay namin. Hinintay ang pag-alis ng mga bus na sasakyan ng mga excited kong kaklase, nang umalis na lumarga na rin kami dahil sa gusto kong maabutan ang malapit na pagtatapos ng ‘My fair lady’— ang cute kasi nung babae yun lang ang habol ko. ‘di na naghintay pa ng ilang minuto sakay bigla sa bangka dahilan ng aalis na rin agad. Mga limang minuto ang nakalipas ay nasa babaan na.
Mula sa waiting area, bumungad ang isang ama. Mukhang nanakawan ng asawa, may malaking problemang sinusagupa at mukhang nawawala ang anak niya mga ilang araw nang nakalipas. Tinatanong ang bawat mananakay ng bangka kung nakita ang batang nasa litrato, gumana ang pagiging mausisa ko tinanong ko kung may nagawa o nasaktan niya ba ng sobra ang anak niya kaya nagdesisyon ang batang lumayas. Sumagot ng payugyog ang ulo pahilig na nagsesenyales na hindi. Nanghina ako ng palihim, nagpapasalamat at may mga ama paring tulad niya na nagmamalasakit. Tinanong ko na nga lang sa sarili ko, kung ako ba maglalayas mapapansin kaya ng ama ko? Pero wala natakot ako sa maaaring maging sagot ng tanong ko kaya nilibang ko na lang ang sarili ko sa panonood ng mga kalalakihang nagbabakasakaling makahuli ng isda sa marumi, nangingitim at toxic na ilog. Ano kayang makakain nila sa janitor fish? Kung magtrabaho kaya sila, hindi inaasa ang buhay sa malayo pero posibleng maaaring maging pagbabago ng Ilog Pasig.
Kung maglalayas ako, ako ang kawawa. Mangangayayat ako. Ako rin ang mapapasama sa huli hindi sila. Matanda na sila kaya na nila ang buhay, ang teleserye ay malayong magkalapit sa totoong buhay. Yung mga naglalayas na may sure ang papupuntahan, Good Luck sana matustusan nila(kung sino man ang magiging kasama mo) ang pagmamahal ng inyong mga magulang.
(Source: istokwa)
Project: To interview an Entrepreneur
Nagpapasalamat ako sa aking guro. Hindi dahil sa nagbahagi siya ng buong nalalaman niya patungkol sa asignaturang tinuturo niya dahil masyadong common na yung ganung drama, hindi rin dahil sa naging ikalawang magulang sila at hindi rin dahil sa mga sermon ng buhay na binabahagi nila tuwing nagagalit. Nagpapasalamat ako dahil naexpose muli ako sa labas. Nakakayamot kasi yung labas na para lang pumasok, mamalengke, manghiram ng gamit sa kapitbahay at magbalik ng mga hiniram. Yung pakikipag-usap sa tao sa paligid mo na hindi lingid sa utak na tumutulong sila sa ikauunlad ng kanilang pamilya at maging ikaw ay tinutulungan nila.
Nitong mahabang walang pasok binigyan kami ng proyekto na parang takda lang sa pag-aakalang madali lang. Pero nang sumabak na kaming grupo sa paghahagilap kung sino ang tatanungin at kung ano ang negosyo ang maganda at marapat naming i-interbyu. Lakad rito, lakad roon. Ikot paparisukat, ikot pabilog. Lahat ng nilapitan tinanggihan kami dahil sa ayaw nilang magbahagi ng mga impormasyon kung bakit at papaano ang pasikut-sikot sa ganung negosyo, siguro natatakot silang kung magtatayo kami ng negosyo baka malampasan namin sila. Pati mga salon na puro bakla ang nagbabantay hinindian kami.
May isang katangi-tanging negosyante ang pumayag sa imbitasyon naming interbyuhin siya. Nagsisitalon kami sa galak at halos mapunit ang mga bibig namin dahil sa hanggang batok ang ngiti namin. Isang water-refilling station, tsamba! Naging bukas ang may-ari sa lahat ng impormasyon—makakapagtayo na kami ng negosyo sa wakas! Mabait ang negosyante, naka-tsamba ulit kami may-anak siyang kasing-edaran ko lang. Habang nagtatanong may ibang binabalingan ang mga mata namin pero hindi kami nagpapahuli sa tatay baka maiba ang pagiging mabait.
Natapos naman ng matiwasay ang pag-iinterbyu. Maganda ang naging kinalabasan. Tinanong ko kung anong pangalan ng anak ng may-ari nagbabakasakaling kilala ko ito. Ang pangalan ay M____ ____ nakalimotkosurname. Kilala ko nga! Siya ang kalaban ko lagi sa pagiging 1st honor noong kinder at nursery. Siya ang dating pinapaginipan ko sa gabi t’wing nanlalamig ang lipi ko. Siya ang dati kong hihangaan. Siya ang dati kong gusto makasama.
Walang konek sa interbyu ang pagbabalik-tanaw ko. Lakad sabay kalimot ng lahat.
(Source: istokwa)
Pustahan 5v5, Bayad PC/Renta.
Naglalaway ako sa atensyon, naglilihi ang sarili ko sa pagmamahal. Hindi pangka-binataang pagmamahal, yung pagmamahal ng pamilya na dapat ay busog-na-busog ako sa edad kong ‘to na dapat ay unti-unting na ring nababawasan. Pero mula sa emptiness napunta sa nothingness ang hinahanap kong atensyon, pagmamahal. Naiingit ang ilan sa’kin kesho palagian kaming lumalaboy magpamilya, kesho marami kaming kwartang gagastahin —iba na ngayon wala na, kesho lagi kaming makikitang nakangiti at nagtatawanan. Na sa katotohanan ay ako ang mas naiingit sa kanilang pamilya. Magkakabuklod, may tulungan, may mga magulang na magtutuwid sa mga kamalian at mga magulang na laging nasa tabi para bigyan ng mahigpit na yakap at matamis na halik ang kanilang anak sa mga oras na lugmok ang mga ito.
Iba. .. tulad na lang ng naramdaman ko sa Church/Service(11/4/11). Na sa pag-aakala kong ispiritwal na pagkakabusog lang ang madadama ko. Na akala ko tuturuan at ganito-ganyan lang ang madadama ko. Na siyang pinipigilan ako ng magulang ko dahil sa ”katoliko” kami baka maiba ang paniniwala ko dahil sa itinuturo dun. Na siyang nagturo sa’kin na tumakas at suwayin ang gusto ng magulang dahil sa kagustuhan kong matuto ng patungkol sa manananggol hindi paniniwala lang. Na silang nagpakita ng pagtutulungan at pagmamahalan ng ‘di magkilalang tao. Yakap ng ama, yakap ng kapatid, mahigpit na pagkakabigkis, sabayang pag-iyak at pagkakaunawaan na siyang hindi ko nararamdaman sa bahay o sa aking pamilya —dyahe ‘daw’ kasi ang pakiramdam pagka ganun ang ginawa, makorni at ‘para sa’n pa’t maggaganun kami?’ mga ganung ekspresyon sa ganung galaw.
Kaya masaya akong nakilala ko ang nagyaya sa’king magDotA sa malayo dahil kung hindi dahil sa kanila hindi ako magiging ‘kristyano’ at makakakilala ng pampamilyang pagmamahal na matagal ko nang gustong maramdaman. Tara GG 5v5.
(Source: istokwa)
Pinabilog na kandila
Hindi ko wari dati kung bakit ika-31 ng Oktubre kami pumupuntang sementeryo pero ngayon naiintindihan ko na, na kaya ika-31 para hindi matrapik at makipagsiksikan sa mga taong nagkukumahog na mapuntahan ang kanilang yumaong mahal sa buhay. Hindi naging pangkaraniwan ang gising ko kanina dahil nanggaling ako sa bahay ng kaklase ko nagtrip para lang sa wala. Nagising ako sa paniniwalang ako lang ang may kayang magtrip sa kanilang mga mukha, iba ang pakiramdam ko nung umagang kinagisnan ko kanina. Malamig, maaliwalas pero medyo malagkit, ikaw ba hindi mo mararanasan ‘to kung nilagyan ka ng toothpaste sa mukha?
Mabilis akong nagwala kahit na hindi ko bahay, nanggising ng mga kapit-bahay dahil sa kalokohang dapat ako ang gagawa pero ako ang ginawan. Nag-walk-out sabay sabing “Araw ko ngayon at bukas naman kayo. .. ang dadalawin ko.” Umuwi ng wala pang mumog malapit lang naman ang bahay namin mula sa pinagtulugan namin kanina para maligo at umalis na. Nakatulog sa sasakyan habang binabagtas ang kahabaan ng kamaynilaan sa sobrang pagod ng matang naglaro lang simula no’ng umaga.
Wala pang masyadong mga tao nang dumating kami parang solo namin ang lugar na malapit sa puntod ng aking yumaong lola. Swerte lang na hindi dinala ng aking ama ang kanyang selpon para sa soundtrip naming magkapatid. Ang pinagplanuhang soundtrip ay naging candle-searching-molding-ek-ek at chick hunting(sisiw daw ang hahanapin namin). Matagal na rin ako nang huling gumawa ng spherical shape na gawa sa kandila kaya medyo hirap ako nakagawa naman ako pero napagpasyahan ko sa huli na ibigay at pagsaluhin na lang ang akin sa aking kapatid para malaki, maganda ang kinalabasan parang Queso de bola.
Naalala ko lang na sa pagbuo ng bilog na kandila kailangan mo ng maraming kandilang pangunahing kailangan sa paggawa, mga ideya mo at ng iba. Ang init ng pagnanais para magawa ang isang bagay bilang apoy at mga kamay na pursigidong gawin at lampasan ang init ng iba na pursigidong hindi ka pagtagumpayin. Pero may choice ka sa huli na kung pagpapatuloy mo ang ginagawa mo o kung makikisama ka sa iba para mas maging malaki kayo sa iba. Makikisalo ba o magsasarili?
(Source: istokwa)
Alkansya
Iipunin at babasagin sa huli.
Magkakakilanlan at magkaka-usap sa gabi-gabi. Konting panahon ang lumipas magkaka-ibigan, magkakasabihan na ng problema, magpapalitan ng matatamis na mga salita. Mahaba-habang panahon pa ang dumaan magkaka-umayan na ang drama. Magpaparamdam ang isa, susundan naman ng isa. Babasagin ang katahimikan, pati ang mga pusong dating sabik. Magkakatarantaduhan maghihiwalay kalaunan.
Gayon ang kwento ng buhay ko pagdating sa pagkakaroon ng kasintahan na mas kilala ngayon sa salitang jowa. Kay saklap ng buhay. Hay! Bibili ka ng panibagong pagkakataon para mag-ipon muli ng lakas bago ka magbago o magmove-on.
Nang huli akong umibig ay nitong isang buwan, sa kasalukuyan hindi ko alam kung umiibig ba ako o hindi. Hindi ko alam siguro kasi na manhid na ako sa mga basag nang mga piraso ng alkansyang pinagtuunan ko ng oras ko. Pera ko. Isama mo na rin ang effort na paghuhulog ko sa pang-araw-araw.
Minsan ngang bumili ako ng isang alkansya may nakatatak na marka na nagsasabing “Pag-aaral”. Siguro ito ang kailangan ko munang pagtuunan at pag-aksayahan ng panahon. Mabasag man ‘to mabubuo parin dahilan na gawa ito sa plastik. Dati kasi puro hugis pusong salamin ang gamit-gamit kong alkansya. Na sa pag-aakala kong mas magiging mabuti akong tao yun pala’y hindi. Nalaman ko sa alkansyang bagong bili ko na hindi siya napupuno, nasisiyahan ako dahil hindi mismo sa alkansya ang nadadagdagan kundi ang aking sarili. Natutuwa ako kasi mabasag man ‘yon sa’kin na-iicredit. Pero hindi ko hahayaang mabasag, maitapon ng kung sino at maalikabukan na ng panahon.
Ako nga pala si Niko. Ang hirap kasing makilo-kilo kaya napadaan muli ako. Nagbabahagi ng nangyari sa’kin sa nakaraan kong pag-ibig. Mas makakahilom kasi ang pagbabahagi kaysa sa pagkikimkim ng nararamdaman o ng hinanakit. Paalam na, sabi ko napadaan lang ako.
Pader
Akala ko, akala ko lang pala.
Hindi maganda ang araw dahil narin sa hindi tuloy-tuloy ang pagsikat nito dahil pinigilan ng naiihing ulap at ng anino nila. Matatanggal na kasi sa trabaho ang ama kong isa sa pinaggagalingan ng ikabubuhay naming pamilya. Nakakalungkot dahil sa umaga makikita ko siya, ayoko kasi sa t’wing nakikita ko siya lagi akong napapailing dahil sa ipinamumukha niya lagi akong Walang Kwenta, Pasarap sa buhay at Walang respeto na sa katotohanan ay hindi naman.
Hindi niya ako mahal, yun ang laging nakatanim sa isip ko sa t’wing kagagalitan ako ng aking amain mababaw man ang dahilan o malalim. Balintunang sagot lagi ang natatanggap ko sa kanya sa t’wing gumagawa ako ng bagay na akala kong maganda pero pangit sa kanya. Pero hindi na rin mahalaga ang mga iyon dahil sa pag-uusap na nangyari sa’min ng aking ina.
Hindi na rin batid sa’kin ang mga pambabara sa’kin at ang mga pampadurog loob na mga sentimyento ng aking ama, naiyak ako sa mga kwentong napag-usapan namin ng aking ina. Nagkwento siya sa nakaraang buhay naming pamilya.
“Kawawa ya’ng papa mo, ilan beses na ring nalulugmok yan. Maraming pinasukang trabaho ang papa mo pero hindi natatanggap dahil sa hindi siya nakatapos. Laging nasa mababa siya kung magkakaroon siya ng trabaho, kasi ngayon mga bata at may mga natapos na lang ang tinatanggap. Malungkot niyan mahihirapan na siya muling maghanap dahil medyo may katandaan(43yrs old) na ang papa mo” ika ni mama.
“May isang pagkakataon na sa kilalang hotel siya na-assign pero tinanggal agad siya kasi may lagnat ka nung araw na iyon at sa mga panahong ‘yon gabi kami umuuwi. Nilayasan ng papa mo ang trabaho niya alang-alang sa nanlalamig mong damdamin, nag-iinit mong ulo at nanginginig mong katawan. Hindi niya masikmura ang buong pamilyang pumapasok sa establisyemento habang ikaw ay naghihirap.” dagdag pa niya.
Mahal pala niya ako, nalulungkot ako sa sarili ko dahil hindi ko hinayaang mahalin ko siya ng maaga pa lang. Hindi na ako makakapagdalawang isip kung mahal ba niya ‘ko o hindi, sapat na ang mga linyang narinig ko mula sa iba, hindi pa sapat ang mga sermong natatanggap ko dahil kung magsasawa ako ibig sabihin lang nito na hindi na ako masaya sa pagmamahal ng magulang na natatanggap ko at ang kanilang pag-aalala.
Hindi naaayon ang paghihinala ko sa pagmamahal nila. Unfair ako, unfair…..
(Source: istokwa)
Kalapati
Lilisan-babalik; lilisan-mananatili-hindi na muling babalik pa.
Relasyon na lang ng magkakasintahan lagi ang pinag-uusapan dito nakaka-urat nang pakinggan ang mga walang patumanggang usapan, mga panipi, paskil at mga pataasan ng bilang ng mga lalaki/babaeng dumaan sa kanilang mga palad. Ibahin natin ng konti, bawasan ang mga intense na usapan patungkol sa nabanggit. Gawin nating mas magaan, yung tipong lahat ng mga makakabasa nito ay makakasali at matatamaan dahil nagkaroon, mayroon o magkakaroon tayo nito.
Ang relasyong pinatutungkulan ko ay ang relasyong magulang-anak. Sino bang walang ganitong relasyon? Walang anak kung walang ina; walang ama ay wala ring anak, hindi mabubuo ang isang anak kung walang anak. Tulad ng mga relasyong nabubuo ng Pag-ibog(pag-ibig at libog) may mga relasyong mag-anak ang nasisira at nagkakawatak-watak. Hindi matibay dahil sa mga salik na nakaka-apekto tulad ng mga kabit, nanlalamig na ang isa kaya naghanap na ng ibang makakalantari o siping at mga kabataang nalululong na sa droga at mga mamamayang nakakasalamuha nito.
Ang relasyong pampamilya/mag-anak ay parang relasyon ng isang mangangalaga ng ibon at kalapati. Ang nangangalaga ay ang mga magulang na naghirap na palakihin at hasahin ang mga anak; ang mga kalapati naman ay ang nagrerepresenta bilang mga anak. Papakainin, palalakihin, aalagaan, hahanapan ng ikasasaya at pinapayagang umalis ng pakonti-konti para mailahad sa mga nagliliitang mga kalapati ang malaking mundong maaari nitong kaharapin. Hindi man tayo payagan ng ating mga magulang lumabas ay nagpupumiglas tayong umalis dahil nasiyahan tayo sa labas. Minsan natatagalan nang bumalik, kahit na hinahayaan tayong lumabas ay nag-aalala parin sila kung babalik pa ba tayo o hindi na. Pero unti-unti naring natatanggap ng mga magulang natin na kaya hindi tayo nakakabalik agad dahil nawili na tayo at darating ang panahon na handa na silang hayaan ang dating maliit, mahina, gutom, at nangungulilang mga kalapati na inalagaan, pinalaki, pinakain at binigay ang kagustuhan para sa kasiyahan ng kanyang mga alaga.
Ibon mang may layang lumipad. …..
Pero sa mga Pilipino, hindi maaaring magkahiwa-hiwalay at hindi hahayaang makatakas ang isa hanggang sa hindi pa nito kayang mamuhay ng sarili at ng kapareha niyang bubuhayin.
Lilipad ng malaya,
kalapating matanda.
Kaya nang mamuhay mag-isa,
kaya nang bumuhay ng isa pa.
Lilipad-lipad kung hihina,
babalik sa mangangalaga.
Magpapalakas ng loob,
Nang sa susunod ay hindi na muling mapataob.
(Source: istokwa)
III. Domino Effect
Once a mapagmahal, will always be a mapagmahal to everyone, no burden even regrets.
“Ang selan nga naman talaga ng babae. Hindi malaman kung bakit ambilis-bilis nilang mainis at dagli-dagling nagdedesisyon para sa sarili nila. Ni hindi man lang ako kinunsulta kung gusto ko ba ang naging pagpapasya niya. Kaya minsan naihahambing ko na sila sa palagian kong meryenda t’wing siyesta, e. Hamburjer ba yun? Hamburger, daw sabi ni googol kaya yun na yun. Ay, pagkatagal-tagal mong hinintay na maluto wala pang limang minuto e ubos na, bitin pa.”, sabi niya sa sarili ng may matinding galit.
Utoy, hindi na ako masaya sa pagsasama natin. Nauumay na ako sa araw-araw na ginawa ng Diyos na pinagbuklod tayo. Pogi ka pero ayoko lang na masaktan ka pa ng lubos-lubos. Ayoko na, nakikipaghiwalay na ako. Paalam, Babe.
Ang eksaktong mga salita na pinakawalan ng mahinhing bibig ng kanyang kasintahan noon. Hindi na nasikmura ni Utoy ang mariing na galit niya sa sarili kung bakit nagkaganito ang akala niyang perpektong relasyon. Nang nakasalubong niya ang kanyang pinapanaginipang babae(kras daw) ay biglang nawala ang galit at nabura ang poot sa kanyang mga mukha. Napatigil ng kalahating segundo at pinagpatuloy ang paglalakad mula sa bahay ng kanyang kasintahan noon papunta sa dampa nila. Para salubungin ang kanyang mga magulang na kagagaling lang sa probinsya.
Eksaktong wala pa sa ayos ang kanilang dampa at lahat ng bagay ay inaalikabok na dahil hindi naman niya ito lahat nalilibot, sa kanyang kwarto lang kasi siya namamalagi, Dumating na kanyang inaasahang darating. Binati niya ng yakap at halik ang mga ito na animo’y nangulila ng matagal ang binata-bata, sabay sambit. “Ma, Pa, I miss you. I love you. Mabuti at maayos kayo. Welcome sa marumi nating bahay!”
Ipinakita ang card na naglalaman ng mga paghihirap ni Utoy sa pag-aaral na nagbunga ng malalaki at matataas na marka. Namangha ang mag-asawa at sinuklian nila ng pagmamahal at paghalik.
Kung may ipagmamalaki man ako, ito yung pagsisipag at nagaalab kong kagustuhang makatapos ng pag-aaral, sa ga’nong paraan hindi ako nasasaktan ng tulad ng sa pag-ibig. Mapagmahal ako, OO. Pero sa sarili’t magulang ko na lamang sa pagkakataong ‘to. Sana kayo rin.
(Source: istokwa)
Tsat, tse.
SA’NA (saan na?/sana) . Ikalawang parte
Hihihihihihihi. Kinikilig ako sa t’wing nakikitang nakapaskil ang pangalan mo sa kahon kung saan maaari kitang makausap. Unang pangalan mo palang napapatili na ako sa saya sa loob-loob ko. Pa’no pa kaya ang buong pangalan mo? Mamatay-matay ako sa kilig. Namumula, nag-aalala nga ako baka sa sobrang tagal ng nilalagi ng pangalan mo sa nasabing kahon ay matuyuan ako sa aking ulo at mamatay.
Binabalak kong piliin at pindutin ang pangalan mo, kaso baka pagka-na-click ko na ay umepal ang facebook-camera-invitation-fuck. Na pangungunahan akong magdesisyon kung may lakas na loob ako, kakausapin ka. Kung wala naman ay hindi. Maayos na sana kaso wala akong lakas na loob para tayo’y magkalapit.
Kailan kaya kita makakatipahan sa pag-uusap? Kailan kaya ako at ikaw? Pero bago yung paano at kailan ako magkakalakas-loob na makausap at makakiligan ka? Kailan ka kaya maghihintay na lumabas ang pangalan ko sa kahon ng maaaring kausapin tulad ng ginagawa ko sa araw-araw na ginawa ng Diyos.
Takot lang talaga siguro akong makatsat ka at sabihihan ako ng isang salitang makakapatay sa nahuhumaling kong puso, ‘Tse!’.
Matagal na rin ng huling kita ko sa pangalan mo sa kahon ng maaaring kausapin. Ano na kaya ang nangyari sa’yo? Ano na kaya ang ginagawa mo? May iba ka kayang kinahuhumalingan? Sana ay kilala ko para ipakitil ko na ang buhay para ako na lang ang pansinin mo. Ngunit pa’no mapapansin kung sa simula palang talaga’y wala na akong lakas-ng-punyetang-loob na yan.
Kung magkakalas talaga ako ng loob isa lang ang maititipa ko at maipapadala ko kahit na ikaw’y wala sa kasalukuyang akawnt mo,
“I miss you so much.”
(Source: istokwa)
Tsat, tse.
Bitin na bitin. Unang parte.
Nahihiya ako kaya h’wag na lang. Baka mapahiya pa at hindi muling pansinin. Mahirap na baka mawala ang ilan taon din nating pagkakaibigan. Hindi ko rin kasi alam kung pa’no sisimulan ang usapan at baka basagin mo pa ako, mahirap na hindi pa naman ako magaling mangupal. Gusto ko talagang tanungin ko pa’no o ano na ang kalagayan ng puso mo ngayon. Hindi man ako doktor para tanungin ang ganitong tanong pero isa akong mangingibig. Mangingibig na sana’y pinapansin, na sana’y may nagmamahal at minamahal. Matatawag pa ba akong mangingibig kung ganito ang siste?
‘Hi, binibini. Kumusta ka na?’ kahit yang simpleng katagang yan hirap na hirap kong tipahin ang keyboard pagkanakatutok na sa box mo. ‘Who the f*ck are you, mister?’ baka yan ang isagot mo sa’kin, mahina pa naman ako sa mabilisang sagot sa ingles. Mabagal pumroseso ang utak ko sa bagay na tulad nito. Tsaka baka hindi na kita muling makausap ng maayos kung ganyan ang magiging sistema, baka mabalahuraan ka sa magiging sagot ko. Mabastos. At mahirap niyan ay malibugan ka dahil pag-iisipin talaga kita ng matino.
Minsang nag-usap tayo, medyo isinama ko na siya sa mga talaan ng mga masasayang oras ko sa mundo. Ewan ko, eto na ata ang pag-ibig na tinatawag nila. Pero hindi ako naniniwalang eto na nga iyon, masyadong mabilis para matawag ko ‘tong pag-ibig. Siguro paghanga, pwede pa. Sana hindi na lang natapos ang araw na ‘yon. Sana namalagi tayo sa panahong ‘yon. May gusto akong itanong sa’yo kaso palagi naman akong nauunahan ng letseng daga sa dibdib na ‘to. Masyadong kabado baka mareject agad sa unang pagkakataon. Isa lang ang masasabi ko sa mga pagkakataong iyon ang matamis para sa’kin ngunit baduy para sa’yo na,
‘Mahal kita’
(Source: istokwa)